- Ang pinakamalaking kasinungalingan na pinaniniwalaan ng ibang mga tao ay ang pag-iisip na walang Diyos. Kasama rin dito ang pag-iisip na wala nang pangalawang buhay, na ang buhay natin dito sa lupa ang tunay na nating buhay. Ang mga taong ganito ang pag-iisip ay ginagawa ang lahat para paligayahin ang sarili habang sila ay nabubuhay pa. Nagpapakaligaya sila sa mga materyal na bagay sa mundong ito, sa pera, mga ari-arian, at marami pang iba. Ang katotohanan: Mayroong Diyos at ang buhay natin dito sa lupa ay isa lamang pagsubok. Ang tunay na buhay ay ang buhay na walang-hanggan. Ang lahat ng mga bagay sa mundong ito ay lilipas, kaya mas mainama na mag-ipon tayo ng kayaman sa langit kaysa dito sa lupa.
- Ang pangalawa ay ang pag-iisip na mas masarap gawin ang bawal kaya ang mga mabubuti ay hindi lumiligaya. Isa rin itong maling pag-iisip. Ang pag-gawa ng mabuti ay makapagbibigay ng ligaya sa atin kung iisipin natin na napapaligaya natin ang Diyos dahil sumusunod tayo sa kanya. Parang noong mga bata tayo, tuwang-tuwa tayo kapag na-vevery good tayo ng teacher natin. Dapat ganoon pa rin tayo ngayon. Kapag nakakagawa tayo ng mabuti, isipin natin na tinatatakan tayo ng Diyos ng star sa ating kamay na may nakasulat pang very good.
Sabi nga ni Blessed Pope John Paul II bago siya namatay: The greatest problem of the world today is loss of sense of sin. Ang mali ay nagiging tama sa paningin ng tao. Ngunit mahal tayo ng Diyos kaya binibigay niya sa atin ang katotohanang kailangan natin. Hindi niya tayo hinahayaang mapunta sa masama. Pero nasa atin pa rin ang desisyon kung ano ang paniniwalaan natin. Sana piliin nating paniwalaan ang totoong mabuti, at hindi ang kabutihang ipinapakita sa atin ng mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento