Ang ganung pananaw ay pananaw ng isang hindi naniniwalang may Diyos. Kung di ka naniniwalang may Diyos, ganun lang ang buhay para sayo, mag-aaral ka, magkakatrabaho, magkaka-asawa't anak, mamamatay, makakalimutan ng lahat ng taong iniwan mo sa mundo. Ang mga taong ganito ay ang mga naniniwala sa kasabihang: "live life to the fullest", habang nabubuhay ka, magpakasaya ka na sa abot ng iyong makakaya, dahil dadating ang isang araw na mamamatay ka. Ang silbi lang ng buhay ay ang paligayahin ang iyong sarili, wala ng iba. Ang mga taong ganito ay naniniwala kay Darwin, na ikaw ay binuo lang ng pagkakataon, nagkataon lang ang lahat, ang iyong mga magulang, ang iyong bansang sinilangan, lahat.
Bago ko ipagpatuloy ay kailangang kumbinsihin ko muna kayo na mayroon ngang Diyos.
- Ang perpektong ayos ng buong universe ay prueba na mayroong isang nilalang na gumawa ng lahat. Mas mahirap paniwalaan na ang ayos ng buong universe ay bunga lamang ng mga aksidente, parang ganito: maglagay ka ng papel at ballpen sa isang kahon, kalog-kalugin mo, tapos pagbukas mo ay mayroon ka nang isang essay, o isang drawing. Bago ka makabuo ng isang essay o isang drawing, kailangan isipin mo muna kung ano ang iyong isusulat o iguguhit, tapos gawin mo.
- Ang konsepto ng mabuti o masama. Ano nga ba ang pagkakaiba ng mabuti sa masama. Sa klase namin sa Philosophy, binigyang kahulugan ang salitang "kasamaan" ng ganito: "ang kasamaan ay ang kawalan ng kabutihan." Ngunit paano mo naman bibigyang-kahulugan ang salitang kabutihan? Ang konsepto ng kabutihan ay nasa ating isipan na, hindi mo na kailangang bigyang kahulugan pa. Kung ganun, siguro may isang nilalang na naglagay ng konseptong iyon sa ating mga isipan.
Bakit nga ba iginuhit ang "Mona Lisa"? Walang ibang makasasagot ng tanong na yan nang tama kundi ang taong gumuhit nito. Maaari tayong magkaroon ng ideya kung bakit, pero di natin ito sigurado. Ganun din sa ating buhay. Kailangan nating tanungin ang lumikha sa atin. Siya lang ang siguradong nakakaalam.
Bakit nga ba ginawa ng Diyos ang mundo at ang mga tao? Ang isang madalas na maling pananaw tulad dito ay: "nilikha ng Diyos ang mundo at mga tao dahil mag-isa lang siya at siya ay nalulungkot." Mali yun. Hindi kailangan ng Diyos ng kahit ano para lumigaya. Nilikha niya tayo para mahalin at para mahalin din natin siya.
Kung ganun nga, ang dahilan ng ating buhay ay ang mahalin, at sambahin ang Diyos. Marahil, maiisip ng mga maliit ang paniniwala sa Diyos na ang dahilan na ito ay makasarili. Minsan na ring sumagi ito sa isip ko. Ngayon, alam ko na na ang Diyos ay hindi makasarili, kung tutuusin, hindi na naman niya kailangan ng kahit na ano diba? kung makasarili ang Diyos, edi sana namuhay na lang siya sa habang panahon ng mag-isa.
Ang buhay na ito ay hindi pa ang tunay na buhay natin. Nilikha tayo ng Diyos upang mabuhay magpakailanman. Ang tanong ay kung saan natin gugugulin ang magpakailanman na ito, sa langit kasama ang Diyos, o sa impyerno. Ang buhay na ito ay isa lamang pagsubok kung karapat-dapat ba tayong mamuhay ng habang panahon sa langit kasama ang Diyos.
Kaya dapat tinatanong natin ang ating sarili ng: "nabubuhay ba ako para sa Diyos, o para sa aking sarili?" kung para sa Diyos, ipagpatuloy mo lang iyan habang hinihintay ang araw ng paghuhukom, kung para sa sarili, dapat magisip-isip ka na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento